Sabi ko sa sarili ko, hindi ako maghihirap dito sa Pinas. Hindi pwede. Hindi
ako matutulad kay Jenny na kinailangan nang gumala sa gabi nang mawalan ng
trabaho sa umaga. Hindi ko ata kaya yun, ‘no! Si Candy nga, hinihila daw ng
asawa ‘pag lasing para magToro. Putangina lalong hindi ko kaya at hindi ko
gagawin yun ever! May dignidad ata ‘to ‘no. Prinepreserba ko iyon dahil sabi ng
nanay ko, dapat karespe-respeto ako. Laban lang nang laban. Si Tiya Ana,
mamasang na minamata ang lahat kaya kami nalayo sa kanya. Hindi ko hahayang
maging malapit ako sa mga walang dignidad at naninira ng dignidad ng iba.
Kung makakarating ako sa Singapore, andaming opportunities doon.
Okay nang nahirapan ako nang sandali habang naghihintay ako ng chance ko,
basta’t makahinga na ako nang maginhawa pagdating ko doon. Kailangan pa kasi maghulog ng pera pero sige, kebs lang. Hindi naman basta-basta lang ang lahat diba? Kakagat na ako kesa dito kung ano-anong kagaguhan pa makakaharap ko.
Pero nakalimutan kong nasa Pilipinas pa rin ako. Hindi pa rin ako nakakaalis sa putanginang bansa na 'to. Leche.
Walang hiya. Kinapa ng gago ang butas kong bulsa. Mamaya, ibang
butas na ang sinusubukan niyang kapain. Hinayupak na gago. Tangina wala talagang sistema sa putanginang bansa na 'to. LECHE. LECHE! Lahat ng tao dito naghihilaan. Binebenta ang isa't isa. Lahat ng tao dito PUTA.
PUTA.
No comments:
Post a Comment