- May respeto sa mga atheist ang dakilang TRED teacher ko. "Daw". Naging isyu na 'yun dati dahil lang hindi ko ginagawa nang maayos 'yung sign of the cross kaya ako ang napag-tripan na ipagdasal. Ngayon, dahil nagdala ako ng The Gospel According to St. Matthew (1964) ni Pasolini kasama ng iba pang mga Jesus films/movies, bigla niyang sinabi ito:"Atheist daw itong kaklase niyo pero andami niyang mga pelikula ni Jesus. I think he's a secret admirer."Hanep sa respeto. Kailangan talagang sabihin 'yun e.Ito ang isa sa mga isang milyong rason kung bakit ayoko sa TRED classes.
- Hindi dahil indie, malalim na agad. May mga bobo pa rin gumawa ng pelikula. Kung makakaharap ko ulit si Ralston Jover, kakailanganin kong igapos ang sarili para pigilan ang sariling sakalin ang gago.Pakiramdam ko nag-eenjoy na siya sa mga "marginalized" stories niya. Malapit daw ang puso niya sa kanila? Ulol niya. Ni hindi man lang maayos ang pagkakaportray niya sa mga taong naghihirap. Walang hiya.
- Maraming nagpapanggap na gusto nila si Lav Diaz dahil "cool" daw siya pero hindi nila iniintdi ang konsepto AT ang proseso na mahalagang-mahalaga.
Karamihan naman sa mga detractors ni Lav ay ganoon din: walang pag-intindi sa proseso at konteksto. Kesyo minsan masyado nang mahaba ang pelikula ay hindi na nila ito gusto.
Babalik ako kay Andy Warhol at ang "unwatchability" ng kanyang mga pelikula. May purpose pa rin.
Hindi ganito si Lav. May laman talaga ngunit kinokumonika niya ito sa paraang hindi kinakaya ng lahat. - Malapit na ang Pasko ngunit wala pa rin akong pera. Hindi naman siguro pwedeng magpa-advance ng mga tig-P1500 o P2000 mula sa mga kamag-anak na 'di talaga ako gaanong kilala kaya pera na lang ang binibigay. 'Di ko pa rin alam ano ang pwede kong ibigay sa kanila.
- Ang make-up ay may purpose na magpaganda. Ampangit-pangit naman ng mga nagmamake-up. Mukha silang mga manekin at manika.
Monday, October 19, 2015
8.6 Minuti-Hey: TRED, jOver, Lav, Paskong Pasko, at Manic Manika
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment