“POSIBLENG nagmula sa
rebeldeng New People’s Army (NPA) ang naganap na panghaharass sa isang military
patrol base sa Albay.” -Johnny Arasga, REMATE
Sisisihin na naman nila kami nito. Sigurado. Kasing-sigurado nila.
Kapag may namatay o nanakit, sa amin ang kasalanan. Kapag sa amin
may pinatay, kasalanan pa rin namin dahil sa kung sino kami. Ambush, Karahasan, Pinatay o Patay… iilan lang ‘yan sa mga salita o
gawaing palaging iniuugnay nila sa amin. Sa amin napupunta ang pagbintang kapag
inataki ang mga sundalong Pilipino. Sa amin napupunta ang bintang kapag may
pinatay at walang maituro.
Insurgents daw ang tawag nila samin. Mga kalaban daw kami ng bayang
ipinaglalaban namin. Pati ang mga pagpatay na isinasagawa ng gobyerno ay samin
ipinapataw. Ang mga Lumad na pinagpapatay ay samin na ibinibintang ng iba. Ang mga Lumad na pinagpapatay din daw ay kasamahan namin kaya sila pinagtutugis. Hindi ko maintindihan kung ano talaga ang paratang samin.
Kung aatakihin man namin ang militar ay may matatag kaming rason na
maibibigay para gawin ito. Kung gagawing basehan ang kanilang patuloy na
pagpataw ng kasalaman samin at pagpatay sa mga tao naming ay matagal na naming
inataki ang bawat military base na makita namin ngunit hindi sukdulang
karahasan ang aming tatahakin na daan tungo sa pagpapalaya sa bansa. Nawa’y
magising ang mga militar mula sa kapangyarihan ng gobyernong itinali sila sa
kani-kanilang mga leeg na parang mga aso. Hindi man sila umanib sa amin ay sana
hindi sila maging mga aso sa ngalan ng pera at dangal na may bahid ng
katuwalian.
Patuloy lamang kaming magpapalakas. Sinisigurado ko sa inyong kapag
kami’y lumakas, kami ay lalong mapagbibintangan ngunit hindi makakamit ang
kalayaan kung wala kang mga baitang na tatapakan. Kailangang pagsikapan ito.
No comments:
Post a Comment