- Naghahanap si Bela Balazs ng libro na maglalaman ng “Gesturology” na maaaring pumuksa sa mga nasimulan ng diksyonaryo. Marahil ito rin ang hinahanap ko sa gitna ng mga salita, dada, at halakhakan ay naghahanap ako ng katahimikang magpapakita sa’kin na may ibig ring iparating ang ngiti ng aking minamahal na si Alyssa, ang pagngisi ng mga katrabaho ko sa aking mga sinusulat, at ang panlalaki ng mga mata ng aking ama kapag may naikekwento akong hindi maganda. May sinasabi ang lahat ng ito ngunit dahil nasanay ako sa mga salita, palagi kong nadidinig ang “Mahal Kita”, “Ayos na ‘to”, at “Ano ba naman ‘yan!”. Naghahanap pa rin akong ng katahimikang mag-iingay.
- Hindi gumagana ang water fountain sa 5th floor ng Connon SPS at napakahina naman ng sa 2nd Floor ng Miguel. Bunga na rin siguro ng katamaran at katangahang pinagsanib puwersa ay dito lang sa mga water fountain na ito ako umiinom. Kung walang tubig dito, hindi ako iinom. Kinagabiha’y pakiramdam ko’y humihingi na ng saklolo ang aking dila dahil naubusan na ako ng laway sa kakasalita buong araw.
- Paiba-iba ang presyo ng bus mula Tramo hanggang Crossing. Kapag non-airconditioned, minsan 14, 15, o 16. Kapag Airconditioned, 20. Hindi ko maintindihan sa’n talaga ako dapat sumakay para makamura. Hindi tuloy sakto ang pambayad ko sa jeep papuntang Kalentong.
- Sabi dati ni Claire Danes na ayaw niya sa Pilipinas dahil napakaraming ipis dito. Totoo nga naman. Ipislandia ang tawiran sa Crossing tungo sa Starmall. Pakiramdam ko’y ‘pag nakikita ko ang mga ipis na parang may reunion bawat gabi doon ay gumagapang sila sa likod ko.
- Lalang:
-Supil o pagsupil
-Pagpapainit sa pamamagitan ng pagbilad sa araw o padarang sa apoy.
Lalang (ibang kahulugan)
-Likha
-Daya
-Kapangyarihan
-Bantulot o pagbantulot
-Pagtuturo sa pamamagitan ng halimbawa
Nagamit ko ito bilang pamagat ng isang piyesa para sa WRIFILM na ang tema ay Decision. Ang pang-apat (Bantulot) ang importante bilang desisyon nga ang tema. Nagdesisyon ang lalaking tauhan kung pakakasalan niya ang isa pang lalaki sa isang arranged marriage. - Mas maganda ang Strike (1925) kesa sa Battleship Potemkin (1925). Sariling opinyon ko ito na nauwi sa pakikipagbangayan kay Epoy. Sa Potemkin din ay mas mahusay ang Drama on the Deck sequence kesa sa Odessa Steps sequence. Baka buong mundo makipagbangayan sa’kin dahil dito.
- Golden Section ang ginamit na film structure sa Battleship Potemkin ayon kay Eisenstein sa "Problems of Film Direction" at buong araw ay nababagabag ako sa Men and Maggots na hindi ko naramdaman gaano ang pagkakahati. Hindi ko mahanap ang caesurae.
Wednesday, October 14, 2015
8.1 Minuti-Hey: Balazs, Tubig, Crossing, UP Dik, at Eisenstein
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment