- Nasa Osaka si Kim Tom. Andami kong tanong sa kanya na hindi ukol sa kanyang bakasyon. Nakalimutan ko 'yung samu't saring Facebook posts niya nung mga inaatupag niya doon.Nasa NYC (na naman) si Sir Ting. Minsan hindi ko na alam kung nagbabakasyon lang ba siya doon kasi trip niya o nagtatrabaho siya. Baka dinidistribute niya uli ang Heneral Luna? O baka nandun na siya sa distribution 5 of 8 films sa QCinema. Walang pahinga talaga 'yun. Ang lakas lang talagang tao.Parehas ko silang natext. Si Kim Tom, nakalimutan ko'ng andun. Si Sir Ting, walang pasabi (pero okay lang dahil dati noong nagsabi siya na aalis siya awkward lang). Ayun, ang laki ng bawas sa load ko.
- May mga patterns si Gillian Flynn sa mga kwento niya. Midya, empowered feminine, mentally fucked up, at may pusa. Sa tatlong pag-ulit ko sa screenplay ng Gone Girl, nadiskubre kong ang pusa sa Gone Girl ay representation ng babae o pussy dahil hindi ito inaalagaan nang maayos ni Nick Dunne. Isa lang ito sa mga sanlibong rason kung bakit paboritong screenplay ko ang Gone Girl.
- Babae raw si Winnie The Pooh. Hindi na ako nakinig sa usapan ni Nonie at Steph pagkatapos ko marinig 'yun. Parang batong bahay na pinasabog ng mga Hapon ang kabataan ko sa nadinig ko.
- Napatingin ako sa ibinidang retrato ko sa Kabwayan na 'to at ngayon ko lang uli naalala bakit Persona (1966) ni Ingmar Bergman ang pinili ko: ang imaheng ito na may batang sinusubukang hawakan ang hindi konkretong imahen ng isang babae (mother figure). Hindi ko naman ipagkakailang may mommy issues ako diba? At tsaka napakahusay naman talaga ng Persona e 'di ba?
- Iba ang depinisyon ni Bresson sa cinematography. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha ang buong depinisyon niya. Mahirap intindihin ang "Notes on Cinematography" niya. Katumbas ng isa o dalawang "note" dito ang isang talata ng Cinema 1: Movement ni Deleueze. Ang sakit sa ulo.
- Hindi ko naririnig o nakikita ang mga tao sa kaharap na tricycle na sinasakyan ko pero maaari ko silang gawan ng kwento. Dito naipanganak ang "faceless crime" na konsepto ko. Gusto kong gumawa ng maikling pelikula tungkol sa mga kriminal ngunit hindi ko ipapakita ang kanilang mga mukha. Audio experiment ito as much as visual experiment. Pag-aaralan ko ang iba't ibang conflict ng optics at acoustic upang makagawa ng sinister na maikling pelikula.
Saturday, October 17, 2015
8.4 Minuti-Hey: Long Distance, Flynn, Winnie De Puta, Kabwayan, BreLeuze, at Maicling Pelicula
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment