Kung bakit kailangang ang lalaki ang binansagang “mas malakas” kesa sa
mga babae, kailanman, ‘di ko na siguro malalaman. Kaya ito, ako nagbubuhat ng
Gasul kesa sa misis o ‘yung anak ko ang gumagawa. Nagjejeep na nga lang ako
kahit malapit lang bahay namin dito e. Nakakapagod naman kasi, punyeta. ‘Di na
ako nagugulat bakit may pagkamahal ang pagpapadeliver nitong ganito.
Ambigat-bigat!
Tang’na, ang inet-inet pa! Wala talagang tigil ang impyerno dito sa
kalye! Siguro ‘pag tumagas lang kahit onti dito sa Gasul, sasabog ‘yung buong
kalye. Maalinsangan, grabe! Parang kalan ni Satanas!
Tapos ano? Ako magluluto pag-uwi? Maiinitan pa rin ako? Punyemas. Hindi
ko rin maintindihan ‘yung mga patakaran sa’min e. Ako nagbubuhat ng Gasul. Ako
bibili sa labas kung may kailangang bilhin. Ako pa rin magluluto? E kung
babae-lalaki lang ang usapan, hindi ba dapat si Misis ang nagluluto? Pero kung
siya naman nagluto para sa’min baka pati buhok niya makain ko o baka naman
sunog na sunog kasi sigurado habang nagluluto ‘yun nanonood na naman ‘yun ng
Marimar o ano. Haynako, mga babae talaga. Hindi ko maintindihan!
Pak da rules.
No comments:
Post a Comment