- Sa mga araw pala ng APEC, wala kaming pasok. Hindi ko talaga alam 'to sa totoo lang. Parang hindi pa naman ako naabutan ng APEC kahit kailan pero lahat ng mga kabarkada ko alam na alam na may ganito... pero hindi ko alam kung dahil lang sa magkakaroon sila ng rason gumala o ano. Sa totoo lang, ayokong sumama sa kahit na sino sa mga araw na walang pasok. Gusto kong magkulong sa kwarto, tapusin ang mga pelikulang matagal ko nang gustong tapusin: Ebolusyon ng Pamilyang Pilipino, The Warriors, o kung ano-ano pa. Madami pang nasa line-up e.
- Kailangan mo bayaran ang Spotify para mawala ang mga nakakainis na advertisements. Unconsciously akong hindi nakikinig ng Spotify siguro dahil may ganito. Ayoko talaga ng mga sumisingit sa musika. Ayoko na ngang nakikinig masyado sa musika e. Unless soundtrack.
- Ang apelyido ni Pia ay Diamante.
Pia Diamante.
Pero hindi ba nakakatawa na walang may gustong sumama sa kanya? Sabi kasi ni Marilyn Monroe "Diamonds Are A Girl's Best Friend". Boy o girl, walang gustong kumaibigan kay Pia. Mukhang disbarred si Marilyn Monroe. - Mukhang dumadami ang interesado sa sining ng pelikula ngayon sa Malate. Dati, kami lang ni Dandan at Bee-One (gusto ko sana isama si Remil kaso nasusupotan ako sa kanya, opinionated lang kasi at walang aral sa proseso masyado). Ngayon nadadagdagan na naman.
Pagpasok ni Andrea, nagbabasa siya ng Film Structure in the 90s at nasa kabanata siyang pinag-aaralan ang ilang mga estilong ginamit sa pagkekwento ng The Silence of the Lambs (na ayaw ko dahil napakaflatline na pelikula nito).
Si Erika Granada rin na nanggaling sa klase ni Sir Ayer dati ay mahilig sa pelikula. Nabasa na rin niya ang Gone Girl screenplay. Magkakasundo kami nito. Hindi ko lang alam kung interesado ba siya pelikulang Pinoy kasi puro American canon ang naririnig kong type niya. - Ang "Desolation Row" ng My Chemical Romance na madidinig sa Watchmen (2009) ay cover lang ng kanta ni Bob Dylan na "Desolation Row".
Si Bob Dylan din ay may kantang ninakaw ng Inside Llewyn Davis (2013) para maillustrate ang napakalaking difference ng folk noon sa ipinasok na "pop" folk ni Dylan. Ang husay talaga ng pelikula na 'yon. Siksik na ito. Siguro'y kailangan ko na rin pag-isipan ang iba pang mga pelikula ng Coens dahil kailanman ay talagang 'di ako masyadong nabibighani sa kanila dahil hindi pa ako sanay sa hindi gaanong blatant na pagpapatawa noong napanood ko ang mga pelikula nila kung kaya paborito ko sa kanila ay ang Big Lebowski (1998). - Mito ang ideya ng "guilty pleasure". Kung may gusto ka, hindi ka dapat naguiguilty pwera na lang kung wala kang paninidigan. Siyempre may rason kung bakit mo nagugustuhan. Personal ito, 70%-85% of the time. Dapat lang alam mong depensahan ang sarili mo. Hindi ka dapat matakot.
Sunday, October 18, 2015
8.5 Minuti-Hey: APEC, AdMusic, Diamonroe, Malate Film Branch, Dylan Row, at Guilty Pleasure
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment