Tagpuan: Dyipni. Umaga. Mga 9:00-9:10AM
Mga Tauhan:
TIRINTAS, Babae, 12-15 yrs. old, nakauniporme ng paaralang PUP San Juan, nakabraid ang buhok
BRACES, Babae, 12-15 yrs. old, nakauniporme din, may blue na braces, naninilaw ang ngipin
KATABI, 30 yrs. old, kaswal na kasuotan, mukhang madaling mabwiset
MGA PASHERO
Nakaupo si TIRINTAS at BRACES sa dulo ng jeep, malapit sa pintuan. Malaki ang mga schoolbag nila na nakapatong sa mga hita nila. Ang bawat salita nila ay may kasamang sayaw ng mga kamay at kung ano-anong kaartehan na ekspresyon sa mukha. Kanina pa nagsimula ang usapan nila ngunit ngayon lang talagang lalakas.
TIRIINTAS: Alam ba nila? Parang uhh--
BRACES: Ewan nga e! Baka? E... kasi naman, e! Noh?
TIRINTAS: Tas si Dani/Danny (hindi sigurado kung alin ang tamang baybay) grabe lang, behz, walang tago-tago e?
BRACES: [Bukang-buka ang bibig, kitang-kita ang ngipin at braces] Ay oo gurl!!! Oo! Oh em lang talaga! Grabe a, pa-mature mature na sila!
TIRINTAS: Oo nga e! Grabe lang. Naalala mo si Emma at si Ken?
BRACES: Yeees! Hay nako, king and queen na 'yun! Summer na summer, ano? Mainit nga talaga hahaha!
TIRINTAS: [Tatawa rin.] Grabe oo!!! [Tatalsik ang laway pero 'di mapapansin ni BRACES.]
BRACES: Tapos ako, may nalalaman pa akong pagkulong-kulong sa kwarto ko. Sana pala nag-tutorials na ako sa Dance. Omg lang tas Teacher Dave pa!
TIRINTAS: [Malaki ang ngiti, mukhang nangungutya.] MHHHM!! Dance talaga, behz? Sino bang--
BRACES: [Eepal.] Ano baaaa??! [Halatang hindi totoo.] Gusto ko kaya magdance, ano.
Magtatawanan ang dalawang magkaibigan. Alam ni TIRINTAS na kagaguhan lang ang sinabi ni BRACES. Sisimulang pakiramdaman ni TIRINTAS ang kanyang phone sa front pocket ng bag. May nagtext ata.
TIRINTAS: Gaga ‘to baka mamaya kung sino pang kembutan mo e!

BRACES: Sino kaya yung “Dine” sa JaDine ko?
TIRINTAS: Ano raaaw??? [Mapapansing mali ang sinabi ni BRACES at tatawa silang sabay.] Hala siya, yung "Dine" ang hanap! Hahaha! Gurl a, gee... napapaghalataan.
Magpapaluan silang dalawa habang tawang-tawa. Mapapatingin sa kanila ang KATABI na may inaatupag sa smart phone niya. Mukhang naiinis na siya sa dalawa.
TIRINTAS: Gaga 'to! Ano beeer ('di ko naintindihan 'to)???
BRACES: Na-Jadine ako!! Gahd!
TIRINTAS: I-Jadine mo ako... ayyyy!
BRACES: I-Dawn Zulueta pa more!
TIRINTAS: I-Danny at Romy pa more!
BRACES: Yuck!
TIRINTAS: Yucky talaga!
BRACES: Ang crazy nga lang. Hirap maging loveless.
TIRINTAS; 'De 'de aral muna 'no! Loveless loveless ka diyan andami mong arte!
BRACES: Kesa patay-patayan!
TIRINTAS: Kwento mo sa pagong na alaga ni James Reid!
BRACES: Ano raaaw??
Sabay na tatawa ang dalawa. Mapapatingin si BRACES sa daan. Tila napansin niyang malapit na silang bumaba. Nagtatapikan sila bigla, siguro hindi alam kung sino ang sisigaw ng “para”. Baka nagaasaran lang din sila. Hindi tayo sigurado.
BRACES: Para ho!
Hindi maririnig ng jeepney driver. Tutulungan sila ng iba pang MGA PASAHERO. Titigil ang jeep. Nakangiti pa rin si Tirintas sa katanghan ni Braces. Bababa sila at sabay tatawa ulit habang naglalakad.

TELON
No comments:
Post a Comment