Tagpuan:
Mang Inasal, Ayala MRT Station, mga 3:30 ng hapon
Mga Tauhan:
LALAKI, 20,
kayumanggi, parang F4 ang buhok
SYOTA, 20,
medyo maputi
LALAKI: Alam
mo pa’no pumunta Salcedo from here?
SYOTA:
[Ngumuya muna nang sandali.] E-jeep.
LALAKI: May
isa pa e. Parang---
SYOTA:
[Nakangiti.] --Taxi?
LALAKI: Gagi
hahaha… but seriously, may nabanggit si PB e.
SYOTA: Baka
yun yung sa Legaspi? Maglalakad pa ata dun e.
LALAKI:
A--…ata? [Mag-iisip] E-Jeep na lang noh? [Mapapangiti parehas]
SYOTA: Oo
haha katamad.
Patlang.
Kumakain na ang dalawa. Minsa’y natutulala ang LALAKI sa labas kung saan
maraming tao ang dumadaan. Mapapatingin si SYOTA sa kanya. Magkakangitian sila.
LALAKI: Sa’n
ka ‘pag nagpagupit ako?
SYOTA: Magtitingin-tingin
na lang ako..
LALAKI: [Nakangiti
ulit, parang nang-aasar.] Shopping?
SYOTA: Ehhh
bakit ba?
LALAKI: Wala
joke laaang. Hahaha.
SYOTA: Sa ano
na lang muna ako H&M.
LALAKI:
Hatid mo pa ako dun?
SYOTA:
[Parang nagpapacute gamit ang pagpapout ng lips.] Oo namuuhn.
Kumain na
sila ulit.
TELON
No comments:
Post a Comment