Tingin ko, wala naman talagang gustong bumili nitong mga sabon dito.
Ewan ko ba, e nauuso naman ang Safeguard at Likas o kung ano-ano pa. Ba’t pa
sila bibili dito ‘di ba? Ni ako nga hindi ako bibili dito e. Ang mahal-mahal.
‘Pag ako nakaipon, ‘di rin ako bibili kahit isang sabon. Kahit may employee
discount pa. Kasi ano naman gagawin ko doon ‘di ba? Araw-araw naman akong
naliligo. Malinis naman pakiramdam ko sa simpleng Green Cross soap lang. Tas
eto ang dami pang kaechosan na kung ano-ano. May mga nalalaman pang Dead Sea
Salt at kung ano-anong chechebureche extracts. E kung maligo ka na lang kaya
‘di ba?
Minsan nga may mga pumapasok lang dito tas aamoy-amoy. Parang mga
adik, ba. Tapos ‘yung mga bata ‘pag nandito, titingin-tingin lang sa shapes
nung mga sabon. Nagagandahan lang. Siguro nga ‘di nila alam na sabon talaga
‘yun e o baka dumulas na isipan nilang sabon ‘yun at naisip na baka pandisenyo
lang. Haynakech talaga.
Kung paano pa kami naseswelduhan ni Ser, hindi ko alam. E karamihan
naman ng costumers niya ay:
1.
Matanda na at malapit nang mamatay (baka may
namatay na right this moment)
2.
Kadalasa’y titingin-tingin lang o aamoy-amoy
lang
Ako naman ‘tong gaga na advertise nang advertise nang mga memorisadong
kachuchuan. Wala rin namang mapapala. Tatango-tango lang sila tas aalis na.
Siguro pupunta sa sinehan o kakain sa kung saan. Basta… pakiramdam ko wala
namang pumupunta dito sa Glorietta para lang bumili sa’min e. Hay.
No comments:
Post a Comment