10.1: Ang
Sozyalite
3.3: Last
Order sa Hard Hat
5.7: Syota
1.6:
Balik-Tanaw
Hindi ba ang reunion, dapat kumpleto kayo? Hindi ba ang barkada,
barkada lamang kung kumpleto sila?
Hindi ganoon ang naging gabi nina Rhea (mula sa 1.6), Kev (mula sa
10.1), Joey (mula sa 5.7), at Christa (mula sa 5.7). Masyado na rin silang
matanda para maniwala na kailangang kumpleto ang barkada, kailangang kumpleto
ang reunion. Noong high school at college, oo. Madaling maka-miss nang isa’t
isa e. Pero ngayon, may mga trabaho na sila. Hindi sila pwede magkasisihan.
Masyado na silang matanda para doon.
Normal Friday night na rin ito para sa kanila. Kadalasan naman sila
talagang napapadpad dito sa Hard Hat (mula sa 3.3) pero hindi magkakasama.
Si Rhea ay laging nakakasama ang mga katrabaho niya dito mag-inuman
lalo na pagkatapos ng mga out-of-the-country trips nila.
Si Kev, nakakainuman niya ang blockmates niya sa USTe dito. Kung hindi
dito, sa may Collective kaso naiingayan sila sa mga tugtugan.
Si Joey at Christa, madalas pumunta dito bilang Makati kids lang din
naman sila at ang apartment nila ay sa may Cityland lang. Dito sila nagrerelax
pagkatapos ng mahabang-araw sa kani-kaniyang trabaho.
“Is it just me or are we getting too old for this thing?” sabi ni Kev.
“It’s just you, Kev,” sabi ni Christa. “’Di talaga kita gets
paminsan.”
Tawanan si Joey at Rhea na kanina pa napapatingin kay Kev. Matagal
nang gusto ni Rhea si Kev.
“Let’s play a game: spin the bottle. Me and my friends, lagi naming
nilalaro ‘to when we go here,” sabi ni Kev.
“Is it just me or are we getting too old for that thing?” sabi ni
Joey.
Tawanan si Christa at Joey.
“No, seriously, man. Laro tayo,” pilit ni Kev. “Truth or Dare.”
“Don’t we know everything about each other already?” sabi ni Christa.
“I’m game” sabi naman ni Rhea.
Chinug ni Kev ang kanyang red horse at sabay inikot ‘to. Tumapat si
kanya sabay tawanan ang mga kaibigan.
“Truth” sabi ni Kev.
“Tell us something we don’t know,” sabi ni Rhea.
“Okay… I like someone in this room,” sabi ni Kev.
Nagulat ang lahat. Pwedeng estranghero pero may posibilidad na isa sa
kanila. Intriga nga, kamo.
“Daya, hindi sinabi,” sabi ni Joey.
Inikot ulit ni Kev ang bote at sa kanya na naman tumapat. Tawanan na
naman. Backfire sa kanya ang kalokohan niya.
“Pakshet… dare na lang,” sabi ni Kev.
“Okay, I dare you to kiss the person you like,” challenge ni Rhea.
Lahat sila nananabik. Hindi pwedeng takas an ‘to ni Kev.
“Hoy gago siguraduhin mong ‘di si Christa ‘yan a kundi papatulan kita!”
sabi ni Joey…
Sabay halik ni Kev sa labi ni Joey.
Tila namatay ang party music sa Hard Hat. Nagkatinginan lang ang apat:
si Rhea kay Kev, si Kev kay Joey, si Joey sa sahig, si Christa kay Joey din.
Tumigil ang mundo. Ang matatagal nang magkaibigan, nasira sa isang laro.
Masyado na nga silang matanda para doon.
No comments:
Post a Comment