Klarong-klaro na maikling kuwento lamang ito at kung magiging pelikula
man ay kakailanganin ng matinding rebisyon ang kwentong ito lalo na sa bahagi
ni Bubitoy dahil napakalaki niyang foreign element ngunit hindi siya
naipaliwanag sa mabuting paraan. Parang nandoon lang siya para manakot.
Shake, Rattle, and Roll episode sana ang aking gustong marating ngunit
kahit para sa Shake, Rattle, and Roll ay masyado pang mahina ang pagiging
“horror” ng kwentong ito. Kadalasan naman, hindi binibigyan ng explanation
masyado kung bakit may mga kababalaghan. Mas nakakatakot ‘yun kesa sa ibigay mo
ang lahat. Tutal, mas nakakatakot ang isang taong kayang gumawa ng kasamaan
ngunit hindi mo alam ang kanyang pinanggalingan kesa sa alam mo kung ano ang
pwedeng gawin dahil kaya mo itong agapan.
Ginawa ko rin siyang “Story-Within-A-Story” dahil kadalasan, masyado
nang one-sided at fantastical ang horror. Gusto kong ilabas ang horror kahit
sandali sa papel, sa telebisyon, o kung anuman. Gusto ko ring palakasin ang
kapangyarihan ng media na bumuhay. Hindi ba’t nakakatakot na nagbabasa ka ng
isang kwentong tungkol sa isang taong nagbabasa tungkol sa horror at lumabas
ang horror creature sa kanyang kwento? Nakuha ko ito sa Call of Ctulhu na isa
pa rin sa mga pinakanakakatakot na kwentong nabasa ko.
Palya pa ang execution, pwede pang mapabuti.
At oo, pilit dahil sa elements.
No comments:
Post a Comment