10.7: Juan
Tamad: Modern Tayms
6.5:
Technician Nakuryente, Dedbol
5.3: Jaguars
4.4: Tumpak
Topak
3.4: Sutsot,
Udlot, at ang Kwentong Naibalot sa Talulot
Binabasa ni Manong Guard (mula
sa 5.3) ang pinakabagong edition ng Philippine Horror Stories. Mag-isa lang
siya ngayon sa 23rd floor ng IFC kung saan ang mga ilaw ay
awtomatikong nagbubukas. Medyo kinakabahan siya dahil may mga ghost stories na
noon dito katulad ng batang nahulog sa elevator at minsa’y umaakyat-akyat sa
ibang palapag dahil gusto niyang magtrabaho sa World Bank paglaki o ‘yung
kwento ni Dado na namatay habang nagkokompyuter.
Kabanata 8: Sparks
Ito ang bayan ng Maytunas kung saan napakaraming mahihirap na tao.
Walang kuryente dito kadalasan at nang minsan pa’y may namatay nang technician
habang inaayos ang kuryente (mula sa 6.5). Hindi talaga sang-ayon ang mismong
kalikasan ng bayan sa kuryente kung kaya marami rin talagang walang trabaho
dahil hindi sila naeenganyo.
Nagkalat na ang mga tambay sa kalye. Isa na dito ay si Goyong (mula sa
10.7) na kahit mestisuhin at may pinag-aralan ay hindi na kumuha ng trabaho.
Sinusutsutan si Goyong gabi-gabi ng isang hindi makitang tao. Noong
una hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang sinusutsutan ngunit alam niya
ang kanyang Nakikipag-inuman na siya
kela Marie at Toyang kapag nangyayari ito. Tila gumagapang na ahas ang bawat
“Tsst!” na nanggagaling sa kadiliman. Ang sabi nila Marie, ugali raw ‘yan ng
mga prosti (mula sa 3.4) lalo na ang mga bakla. Lalo lang nahinuha ni Goyong na
siya nga ang sinusutsutan.
Isang gabi, hindi nakapagpigil si Goyong. Malakas na ang tama niya
noon nang bigla siyang sutsutan uli mula sa kadiliman. Iniwan niya sila Marie
at sinugod ang pinanggalingan ng sutsot. Hindi siya napigilan ng mga kaibigan
dahil galit na galit na siya. Dala-dala ang kanyang cellphone na Flashlight
App, inilawan niya ang madilim na parte kung saan nanggagaling ang sutsot.
Pagtingin niya, may mga mata sa likod ng kahoy. Andito ang baliw ng bayan na si
Bubitoy (mula sa 4.4).
“Putangina ka ikaw lang pala ‘yun!” sabi ni Goyong sabay binugbog si
Bubitoy na walang laban sa lasing na lalaki. Hindi naiintindihan ni Bubitoy ang
nangyayari.
Pagbalik ni Goyong, tawang-tawa niyang ikinwento kela Marie na si
Bubitoy lang pala ‘yon.
Noong susunod na gabi, nag-iinuman na naman sila. Isang oras na ang
lumipas at wala nang sumusutsot. Natuto na si Bubitoy marahil.
Sa katapusan nang kanilang kasiyahan, bigla na lang may umilaw sa
kadiliman na para bang may pumutok ng fuse box. Nagulat si Goyong.
“Kita niyo ‘yun?” tanong niya sa mga kaibigan pero wala silang
napansin.
Lumapit si Goyong sa lugar kung saan ito nanggaling sabay narinig na
naman ang nakakaasar na sutsot.
“Putangina, si Bubitoy na naman ba ‘to…” sabi niya.
In-on niya ang flashlight at nakitang nakatayo si Bubitoy doon.
Sumutsot ulit siya. Hindi maintindihan ni Goyong ano ang ginagawa ng baliw. Sa
susunod na sutsot niya, tunog kuryente ang lalabas. Ang mga mata ni Bubitoy ay
naging asul habang tuloy-tuloy ang daloy ng mala-kuryenteng tunog ng kanyang
dila.
Lumiwanag muli ang kadiliman at ngayon ay nakita na nila Marie.
Nadinig din nila ang isang malakas na pagputok. Tumakbo sila papunta roon at
pagtingin nila’y—
Ibinaba na ni Manong Guard ang
libro. Tila may naririnig siyang dumadaloy na kuryente sa loob ng IFC office.
Sinilip niya ang mga cubicle at sa isa’y may ilaw at tila may nagsaspark na
kuryente mula sa kompyuter.
Nakahandusay ang katawan ng
isang lalaking nakasando, shorts, at tsinelas sa tabi ng cubicle. Mestisuhin.
Wala na ang mga mata nito.
Nabitawan na niya ang libro na
nahulog sa ihing nagkalat sa sahig.
No comments:
Post a Comment