3.6: Granada
X
1.4:
Concierto ni Cristo
5.5:
Kabanata ng Rakenrol
8.5: APEC,
Admusic, Diamonroe, Malate Film Branch, Dylan Row, at Guilty Pleasure
Matagal na
niyang pinapangarap ito: ang makapaglingkod sa Iglesia gamit ang kanyang tunay
na talento. Bilang isang rockstar, lagi
na lang walang nanonood sa kanya. Masyado raw kasing mahal ang P300 entry sa
kanyang mga gigs. Bakit daw sila magbabayad ng ganoon kataas para lang mapanood
ang “Crusader Vaders”.
Pero ngayon,
para sa “Separation of Church and State” na hindi naman niya talaga
naintindihan, tumutugtog siya sa pinakakakaibang stage na tinugtugan niya sa
buong buhay niya: Crossing. Marami namang banda ang tutugtog dun pero sa tingin
niya sila lang ang orig. ‘Yung iba kasi puro covers ang nasa setlist. E anong
kakaiba ‘dun di ba? Ano’ng serbisyo ba naman ‘yung mangongopya ka lang. Time to
shine niya ito.
Buong gabi,
tumugtog sila ng iba’t ibang original songs tulad ng: “To Felix Be The Glory”,
“Rock the Holy House”, “Bible Rifle”, at ang on the spot nilang ginawang kanta
“Separation of Church and States” na paulit-ulit lang ang lyrics. Nagustuhan
sila ng mga tao. Nagwala ang lahat. Napahiyaw ang mga audience. Hanep.
At
pagkatapos ng performance, tila tinamaan siya ng kabaliwan. Sound grenade ang
kanyang nadidinig kahit na naghihiyawan na ang mga tao. Nabibingi na siya sa
sariling kagalingan.
Ilang araw
pagkatapos ng kanyang napakagaling na performance nila, binatikos sila ng
netizens.
“AMPANGIT”
“SOBRANG
CORNY”
“LUTANG
TUMUGTOG”
Napaiyak na
lamang siya.
No comments:
Post a Comment