Napakapangit ng kwento sa totoo lang. Kailangan pa talagang ayusin ang
mga elements. Naipilit ko lang din ang “Truth or Dare” na laro at hindi ko rin
talaga alam kung anong kalalabasan noon hanggang sa literal na sinulat ko na.
Nais ko sanang ibunggo ang mga tauhang ito sa isang sitwasyong
mahihirapan silang lahat. Ngunit hindi naman din gaano kahirap ang napasukan
nila. Sinadya ko ring bobo sila bilang asar na asar ako doon sa mga tao sa 3.3
na entry. Napakaarte kasi nila mag-usap.
Nakakatuwa kasi ang ganoong estilo: mga magkakaibang tao na ibubunggo
mo sa isa’t isa at pag-uusapin pero hindi ko rin naman nagawang maayos na
gawing distinct ang bawat isa kaya pumalya.
Marami talaga akong kilalang ganito na kung maglaro ay masyadong
seryoso ang mga bagay at ang masaklap dun ay sila ‘yung tipong mga mayayamang
batang wala lang magawa sa buhay kaya pakiramdam nila may karapatan silang
magpakagago. Gano’n ‘yung husga k okay Sozyalite kahit ‘di ko siya kilala (oo
alam ko masama pero ganun talaga ako paminsan).
No comments:
Post a Comment