Nais ko sanang gumawa ng komentaryo sa korupsyon ng mga pulisya lalo
na dito sa Pilipinas. Kadalasan kasi ay dinedepensahan sila ng mga tao na
napagutusan lamang o bunga ng kagaguhan ng mga nasa itaas. Para sa’kin, hindi
ba bilang isang mamamayan ng Pilipinas ay may responsibilidad kang alamin kung
kanino ka dapat susunod at bilang isa tao rin ay dapat alam mo ang tama at
mali. Lalo na’t pulis sila ay dapat nga hindi sila nagpapahawak sa kasakiman
ngunit ganoon pa rin ang nangyayari.
Sa kwento mismo, pilit ang pagkakapasok ni Danilo. Maikli lang naman
talaga ang kwentong habol ko kaya biglaan lang ang pasok niya. Wala rin akong
maisip talaga na rason kung bakit pa niya haharangan si Paolo at ang namamatay
na lolo. Pakiramdam ko naman hindi ganoon kasama ang mga parak kahit na mga
gago sila. Siguro gusto ko lang ‘ding gamitin talaga ang term na “bwaya” para
sa mga pulis at interesanteng makakita ng pulis na naglalakad sa baha.
Kung palalawakin talaga ang kwento ay maaaring anecdote lamang ‘to o
isang segment lamang siya sa isang omnibus film. Pangmaikling kwento lang talaga
ito.
No comments:
Post a Comment