Personal ang
kwento sa’kin dahil tungkol ito sa nanay ko. Galing sa mga totoong pangyayari
ang nabanggit. Minsan na rin akong nagpahulog habang nakasabit sa jeep pero
hindi dahil malungkot ako ngunit dahil hindi kinaya ng kamay ko kaya sa sobrang
pagod bigla na lang dumulas sa isip ko na delikado palang bumitaw bigla.
Aaminin ko,
disservice ‘to sa sarili kong kwento dahil napakawalang kwentang kwento naman
ang isang taong naglayas at nagpakamatay din dahil wala siyang kakampi. Interesado
talaga ako sa mangyayari kung sa simula pa lang ng paglalakbay ay naudlot na
ang lahat dahil walang patutunguhan. In short, short film ‘to. Na pangit.
Kung
palalawakin talaga (at malamang ako lang ang makakagawa), maaari ‘tong gawing
self-discovery journey papalayo sa nosyon ng pamilya. Marami na kasing family
movies ngayon. Pero ‘di ba marami na rin ‘yung mga mala-emo na lonely voyager
films o books? Siguro ang kailangang maiba dito ay yung attitude ko sa journey.
Siguro ‘yung confusion din dapat naglalaro talaga sa loob at hindi klaro sa
manonood hanggang sa dulo, walang narating kasi ‘yung sarili iniwan na matagal
na. New life awaits, kumbaga. Ang labo ‘no?
No comments:
Post a Comment