6.1:
Military patrol base sa Albay, rinatrat ng NPA
4.7: Ang
Burgis at mga Maligno
2.2: Samyo
ng Espiritu
1.5 Aninag
Hindi na
naman makatulog si Maria ngayong gabi.
Dati-rati’y
natatakot siya sa mga kaluluwang gumagala sa mansyon nila na sinasabi ng lolo
niya’y umaaligid daw ang kanilang mga ninunong matagal nang inangkin ang
kanilang lupa.
Hindi sila
ang umaaligid ngayon sa mansyon kung saan mag-isa na lamang siyang nakatira.
Mga espirito ng mga dati niyang pinahirapan ang nagsisilabasan mula sa ilalim
ng kama, sa mga aparador, sa salamin, at sa iba’t ibang mga sulok ng kwarto.
Lahat sila gumagapang sa sahig.
Bilang isang
heneral sa batalyon, marami na siyang mga nagawang hindi niya ninais kailanman
gawin. May prinsipyo naman siya. Naitaguyod niya ito lalo na’t lagi niyang
pinaninidigan ang lahat ng sinasabi bilang karamihan sa mga babaeng sundalo sa
kanila’y mga sinungaling.
Pero hindi
siya exception sa pagsisinungaling. Hindi niya kayang magmalinis dahil marami
ng mga “military attacks” na sila-sila lang din ang nagiistage.
“Military
Base, attacked by NPA”
“Base in
Aklan, bombed by terrorists”
Mga
headlines na sila-sila lang din ang may kagagawan. Staged attacks sa isa’t isa
upang maijustify ng mga nasa itaas na tugisin lalo ang mga NPA, na pumatay pa
lalo ng napakaraming tao.
Ang mga
umaaligid sa kwarto niya ngayon ay mga kasamahan niya; mga kasamahang namatay
dahil sa kanyang mga staged attacks, bawat gabi sinusubukan siyang kunin. At ngayong
gabi, isusuko na niya ang sarili sa kanila.
Iniabot ng
kaluluwa ni Sergeant Guingona ang kanyang kamay kay Maria.
Kinuha ni
Maria.
Kinuha ni
Guingona ang buhay ni Maria.
Kung paano
kinuha rin ni Maria ang buhay ni Guingona.
Kung paano
kinuha ang mga buhay nila ng digmaan.
No comments:
Post a Comment