Pumayag
akong maassign dito kasi akala ko naman ‘di gaanong interesado ang mga tao sa
desserts lalo na’t marami naman sa loob. E nakalimutan ko kung nasaang bansa
ako.
Impyerno nga
pala itong Pilipinas…
sa init.
Nako,
pagkainit-init talaga ng pesteng bansa na ‘to. Customer peak kapag 1:00PM
onwards! You won’t bilib it. Kulang na lang siguro magsabay-sabay silang lahat
na bumili dito. At ngayon, nalilito pa rin ako sa pagdidip ng ice cream. Kala
niyo madali ‘to? E minsan, tatlong tao ang magkakasunod sa pila. Ang isa gusto
strawberry fudge sundae, ang isa strawberry Mcdip with rice krispies, ang isa
vanilla cone lang. Napapaghalo ko paminsan! Nakasawsaw na nga ako ng vanilla
cone sa fudge e! Kahiya ‘yun, oo.
‘Di ko rin
naman sila masisisi. Ako kapag mainit naghahanap talaga agad ako ng ice tubig.
Kadalasan 10 pesos ‘yun sa amin. Noong bata nga ako 3 pesos lang e. E ngayon,
kung madaanan mo naman ‘tong stall namin, 10 pesos lang may vanilla cone ka
nang napakalamig. Dagdagan mong 5, may dip pa. Dagdagan mo pa onti, may
malutong na rice krispies na. Andaming kachipan na pagpipilian! At masarap.
Sulit ka. Ubo, sipon, name it, I got it!
No comments:
Post a Comment