Muli,
naglalaro na naman ako sa “horror” genre dahil mahilig ako sa Filipino horror
ngunit kesa maging isang Shake, Rattle, and Roll episode form, naglaro ako sa
horror-drama.
Basehan ko
rin kasi ang isang eksena sa V for Vendetta ni James McTiegue kung saan tahimik
na pinatay ni V ang isang matandang babae.
Sa lahat ng
mga kwento ko, ito ang pinakamasarap palawakin dahil dito talaga ako nagimbento.
Ang mga sundalo lamang ang nagsestage ng kani-kaniyang attacks sa mga kampo ng
iba at ginagawa lamang nila ito upang mapalakas ang kanilang kaso upang ipurge
out pa ang mga NPA at kung sino-sino pang mga grupo sa mga kabundukan.
Maganda rin
siyang gawing horror upang mabago naman ang pakiramdam ng mga politically
charged na pelikula. Nagawa rin kasi ito sa isang Shake, Rattle, and Roll na
episode sa The Invasion. Kulang nga lang sa estetiko ‘yun. Kaya pa gawing mas
seryoso, mas nakakakilabot. Mas nakakatakot kapag mas malakas ang motibo.
No comments:
Post a Comment