Hindi naman
nakakapagod ‘tong ginagawa namin e. Sana nga lang, binabayaran ako para dito
kasi kung ganoon e asenso na ‘ko. Laki ng kikitain ko e halos 24/7 ako dito e.
Tambay.
Hindi ba pwede maging trabaho na lang ‘yun? Masyado na ‘kong master e.
Propesyonal tambay. Sabi nga nila, ‘di mo aakalaing tambay lang ako. Kahit
manumit, iniiwasan kong maging kamukha ‘yung mga kapitbahay ko dito. Pero ‘yun,
e kainuman ko rin naman sila at katawanan ‘pag gabi so ba’t ko pa tatago diba?
Pogi ko raw masyado para tumambay-tambay. Kuha na raw ako ng trabaho tutal
minsan hindi naman ‘yan sa eksperyens e pero nasa itsura din. E mukha naman
akong mala-Dennis Trillo asar nila Jinks.
Kaso ‘yun
nga, tinatamaan ako ng katamaran. Masaya naman ako dito, e. ‘Di naman nagagalit
si Inang sa’kin. Sumasideline din naman ako paminsan diyan sa may barberya.
Hindi na rin masama. Hindi masama kung ‘di mo mamasamain e ‘di ba? Maayos naman
akong tao e. ‘Di rin naman ako lasenggo kahit gabi-gabi kami nag-iinuman. At
tsaka matalino din naman ako kahit papaano e. Siguro ‘di ko kaya maging
pulitiko pero sigurado may talino naman ang taong marunong magChess ‘di ba.
Husay ko roon.
Pero kung
trabaho ang usapan, e tatambay na lang ako. Antayin ko na lang maging paid
tambay ako. Okay naman ‘yung ganun. Sana may presidenteng mas matalino sa’kin
na gawin ‘yun. Kung ‘di man niya kayang tanggalin ang kahirapan, bayaran na
lang niya ang mga mahihirap.
No comments:
Post a Comment