Tuesday, November 17, 2015

12.7 Crusader Vaders: One Night Only (Analysis)

Lahat naman ng mga banda, may pinaniniwalaan. Minsan nga lang, palya kung sumulat. Minsan hindi rin maganda ang nagiging mensahe.
Naisip ko lang dito, ano kaya ang tingin ng mga outsiders dun sa mga tumugtog sa Iglesia Ni Cristo rally? Kasi ako naasar ako na may kumakanta ng 21 Guns doon ni hindi nga nila talaga naiintindihan kung bakit sila andoon. Kalokohan talaga.
So eto, nilagay ko siyang side-by-side commentary: indie music scene pati na rin ang relihiyon o relihiyon kuno.
Siguro kaya pang ayusin ang background kasi wala ka naman talagang pakialam sa lead character e. Sino bang magiging interesado dito, diba?


Monday, November 16, 2015

12.6 Sundalong Anino (Analysis)

Muli, naglalaro na naman ako sa “horror” genre dahil mahilig ako sa Filipino horror ngunit kesa maging isang Shake, Rattle, and Roll episode form, naglaro ako sa horror-drama.
Basehan ko rin kasi ang isang eksena sa V for Vendetta ni James McTiegue kung saan tahimik na pinatay ni V ang isang matandang babae.
Sa lahat ng mga kwento ko, ito ang pinakamasarap palawakin dahil dito talaga ako nagimbento. Ang mga sundalo lamang ang nagsestage ng kani-kaniyang attacks sa mga kampo ng iba at ginagawa lamang nila ito upang mapalakas ang kanilang kaso upang ipurge out pa ang mga NPA at kung sino-sino pang mga grupo sa mga kabundukan.

Maganda rin siyang gawing horror upang mabago naman ang pakiramdam ng mga politically charged na pelikula. Nagawa rin kasi ito sa isang Shake, Rattle, and Roll na episode sa The Invasion. Kulang nga lang sa estetiko ‘yun. Kaya pa gawing mas seryoso, mas nakakakilabot. Mas nakakatakot kapag mas malakas ang motibo.

Sunday, November 15, 2015

12.5: Sa Eskinita, Noong Isang Gabi (Analysis)

Napaka-sabaw ng kwento at kitang-kita na gusto ko sana siyang maging thriller-action na homage sa mga Rudy Fernandez at Lito Lapid action films pero base pa lang sa premise, wala naman talaga akong magandang pangset-off sa kanya kaya nagkaganyan ang kwento.
Hindi rin gaanong maganda ang motibo ng nanghabol. Napakafail-safe na lasing siya kaya siya nanghabol. Labo.

Kung palalakihin man ito, gusto ko talaga ‘tong gawing isang action story. Baka set piece lang sa isang action film na may dala-dalang Gasul (hindi pa malaman ang rason) at basta magliliyab ‘yun. Masaya kasi kapag may nagbabakbakan habang may umaapoy na background.

Saturday, November 14, 2015

12.4 Jeepney Blues (Analysis)

Personal ang kwento sa’kin dahil tungkol ito sa nanay ko. Galing sa mga totoong pangyayari ang nabanggit. Minsan na rin akong nagpahulog habang nakasabit sa jeep pero hindi dahil malungkot ako ngunit dahil hindi kinaya ng kamay ko kaya sa sobrang pagod bigla na lang dumulas sa isip ko na delikado palang bumitaw bigla.
Aaminin ko, disservice ‘to sa sarili kong kwento dahil napakawalang kwentang kwento naman ang isang taong naglayas at nagpakamatay din dahil wala siyang kakampi. Interesado talaga ako sa mangyayari kung sa simula pa lang ng paglalakbay ay naudlot na ang lahat dahil walang patutunguhan. In short, short film ‘to. Na pangit.

Kung palalawakin talaga (at malamang ako lang ang makakagawa), maaari ‘tong gawing self-discovery journey papalayo sa nosyon ng pamilya. Marami na kasing family movies ngayon. Pero ‘di ba marami na rin ‘yung mga mala-emo na lonely voyager films o books? Siguro ang kailangang maiba dito ay yung attitude ko sa journey. Siguro ‘yung confusion din dapat naglalaro talaga sa loob at hindi klaro sa manonood hanggang sa dulo, walang narating kasi ‘yung sarili iniwan na matagal na. New life awaits, kumbaga. Ang labo ‘no?

Friday, November 13, 2015

12.3: Bwaya sa Banga (Analysis)

Nais ko sanang gumawa ng komentaryo sa korupsyon ng mga pulisya lalo na dito sa Pilipinas. Kadalasan kasi ay dinedepensahan sila ng mga tao na napagutusan lamang o bunga ng kagaguhan ng mga nasa itaas. Para sa’kin, hindi ba bilang isang mamamayan ng Pilipinas ay may responsibilidad kang alamin kung kanino ka dapat susunod at bilang isa tao rin ay dapat alam mo ang tama at mali. Lalo na’t pulis sila ay dapat nga hindi sila nagpapahawak sa kasakiman ngunit ganoon pa rin ang nangyayari.
Sa kwento mismo, pilit ang pagkakapasok ni Danilo. Maikli lang naman talaga ang kwentong habol ko kaya biglaan lang ang pasok niya. Wala rin akong maisip talaga na rason kung bakit pa niya haharangan si Paolo at ang namamatay na lolo. Pakiramdam ko naman hindi ganoon kasama ang mga parak kahit na mga gago sila. Siguro gusto ko lang ‘ding gamitin talaga ang term na “bwaya” para sa mga pulis at interesanteng makakita ng pulis na naglalakad sa baha.

Kung palalawakin talaga ang kwento ay maaaring anecdote lamang ‘to o isang segment lamang siya sa isang omnibus film. Pangmaikling kwento lang talaga ito.

Thursday, November 12, 2015

12.2 Die-Hard Friends: Isa Na Namang Kwento ng Mga Bobong Burgis (Analysis)

Napakapangit ng kwento sa totoo lang. Kailangan pa talagang ayusin ang mga elements. Naipilit ko lang din ang “Truth or Dare” na laro at hindi ko rin talaga alam kung anong kalalabasan noon hanggang sa literal na sinulat ko na.
Nais ko sanang ibunggo ang mga tauhang ito sa isang sitwasyong mahihirapan silang lahat. Ngunit hindi naman din gaano kahirap ang napasukan nila. Sinadya ko ring bobo sila bilang asar na asar ako doon sa mga tao sa 3.3 na entry. Napakaarte kasi nila mag-usap.
Nakakatuwa kasi ang ganoong estilo: mga magkakaibang tao na ibubunggo mo sa isa’t isa at pag-uusapin pero hindi ko rin naman nagawang maayos na gawing distinct ang bawat isa kaya pumalya.

Marami talaga akong kilalang ganito na kung maglaro ay masyadong seryoso ang mga bagay at ang masaklap dun ay sila ‘yung tipong mga mayayamang batang wala lang magawa sa buhay kaya pakiramdam nila may karapatan silang magpakagago. Gano’n ‘yung husga k okay Sozyalite kahit ‘di ko siya kilala (oo alam ko masama pero ganun talaga ako paminsan). 

12.1: Kabanata 8: Sparks (Analysis)

Klarong-klaro na maikling kuwento lamang ito at kung magiging pelikula man ay kakailanganin ng matinding rebisyon ang kwentong ito lalo na sa bahagi ni Bubitoy dahil napakalaki niyang foreign element ngunit hindi siya naipaliwanag sa mabuting paraan. Parang nandoon lang siya para manakot.
Shake, Rattle, and Roll episode sana ang aking gustong marating ngunit kahit para sa Shake, Rattle, and Roll ay masyado pang mahina ang pagiging “horror” ng kwentong ito. Kadalasan naman, hindi binibigyan ng explanation masyado kung bakit may mga kababalaghan. Mas nakakatakot ‘yun kesa sa ibigay mo ang lahat. Tutal, mas nakakatakot ang isang taong kayang gumawa ng kasamaan ngunit hindi mo alam ang kanyang pinanggalingan kesa sa alam mo kung ano ang pwedeng gawin dahil kaya mo itong agapan.
Ginawa ko rin siyang “Story-Within-A-Story” dahil kadalasan, masyado nang one-sided at fantastical ang horror. Gusto kong ilabas ang horror kahit sandali sa papel, sa telebisyon, o kung anuman. Gusto ko ring palakasin ang kapangyarihan ng media na bumuhay. Hindi ba’t nakakatakot na nagbabasa ka ng isang kwentong tungkol sa isang taong nagbabasa tungkol sa horror at lumabas ang horror creature sa kanyang kwento? Nakuha ko ito sa Call of Ctulhu na isa pa rin sa mga pinakanakakatakot na kwentong nabasa ko.
Palya pa ang execution, pwede pang mapabuti.

At oo, pilit dahil sa elements.  

Tuesday, November 10, 2015

11.7: Crusader Vaders

3.6: Granada X
1.4: Concierto ni Cristo
5.5: Kabanata ng Rakenrol
8.5: APEC, Admusic, Diamonroe, Malate Film Branch, Dylan Row, at Guilty Pleasure

Matagal na niyang pinapangarap ito: ang makapaglingkod sa Iglesia gamit ang kanyang tunay na talento.  Bilang isang rockstar, lagi na lang walang nanonood sa kanya. Masyado raw kasing mahal ang P300 entry sa kanyang mga gigs. Bakit daw sila magbabayad ng ganoon kataas para lang mapanood ang “Crusader Vaders”.

Pero ngayon, para sa “Separation of Church and State” na hindi naman niya talaga naintindihan, tumutugtog siya sa pinakakakaibang stage na tinugtugan niya sa buong buhay niya: Crossing. Marami namang banda ang tutugtog dun pero sa tingin niya sila lang ang orig. ‘Yung iba kasi puro covers ang nasa setlist. E anong kakaiba ‘dun di ba? Ano’ng serbisyo ba naman ‘yung mangongopya ka lang. Time to shine niya ito.

Buong gabi, tumugtog sila ng iba’t ibang original songs tulad ng: “To Felix Be The Glory”, “Rock the Holy House”, “Bible Rifle”, at ang on the spot nilang ginawang kanta “Separation of Church and States” na paulit-ulit lang ang lyrics. Nagustuhan sila ng mga tao. Nagwala ang lahat. Napahiyaw ang mga audience. Hanep.

At pagkatapos ng performance, tila tinamaan siya ng kabaliwan. Sound grenade ang kanyang nadidinig kahit na naghihiyawan na ang mga tao. Nabibingi na siya sa sariling kagalingan.

Ilang araw pagkatapos ng kanyang napakagaling na performance nila, binatikos sila ng netizens.
“AMPANGIT”
“SOBRANG CORNY”
“LUTANG TUMUGTOG”

Napaiyak na lamang siya.


Monday, November 9, 2015

11.6: Sundalong Anino

6.1: Military patrol base sa Albay, rinatrat ng NPA
4.7: Ang Burgis at mga Maligno
2.2: Samyo ng Espiritu
1.5 Aninag

Hindi na naman makatulog si Maria ngayong gabi.

Dati-rati’y natatakot siya sa mga kaluluwang gumagala sa mansyon nila na sinasabi ng lolo niya’y umaaligid daw ang kanilang mga ninunong matagal nang inangkin ang kanilang lupa.
Hindi sila ang umaaligid ngayon sa mansyon kung saan mag-isa na lamang siyang nakatira. Mga espirito ng mga dati niyang pinahirapan ang nagsisilabasan mula sa ilalim ng kama, sa mga aparador, sa salamin, at sa iba’t ibang mga sulok ng kwarto. Lahat sila gumagapang sa sahig.

Bilang isang heneral sa batalyon, marami na siyang mga nagawang hindi niya ninais kailanman gawin. May prinsipyo naman siya. Naitaguyod niya ito lalo na’t lagi niyang pinaninidigan ang lahat ng sinasabi bilang karamihan sa mga babaeng sundalo sa kanila’y mga sinungaling.

Pero hindi siya exception sa pagsisinungaling. Hindi niya kayang magmalinis dahil marami ng mga “military attacks” na sila-sila lang din ang nagiistage.

“Military Base, attacked by NPA”
“Base in Aklan, bombed by terrorists”

Mga headlines na sila-sila lang din ang may kagagawan. Staged attacks sa isa’t isa upang maijustify ng mga nasa itaas na tugisin lalo ang mga NPA, na pumatay pa lalo ng napakaraming tao.

Ang mga umaaligid sa kwarto niya ngayon ay mga kasamahan niya; mga kasamahang namatay dahil sa kanyang mga staged attacks, bawat gabi sinusubukan siyang kunin. At ngayong gabi, isusuko na niya ang sarili sa kanila.

Iniabot ng kaluluwa ni Sergeant Guingona ang kanyang kamay kay Maria.
Kinuha ni Maria.
Kinuha ni Guingona ang buhay ni Maria.
Kung paano kinuha rin ni Maria ang buhay ni Guingona.

Kung paano kinuha ang mga buhay nila ng digmaan.

Sunday, November 8, 2015

11.5: Sa Eskinita, Noong Isang Gabi


10.3: Gasul Lite
8.7: Lumad, Trapik, Sours, Kritikal, at Teleserye
4.1: Mister Diuresis
2.3: Kagat ng Dilim

12:30AM

Hindi na naman mapakali si Roger. Kung kailan marami siyang mabibigat na dala, doon pa siya tinamaan ng diuresis.

di-ure-sis
 \,di-ye-re-ses\
: an increased excretion of urine
Hindi niya alam bakit biglang naubos ang Gasul nila sa bahay. Hindi rin niya alam bakit 12:30 nang umaga na’y naisipan pang magluto ng kanyang misis at kinailangan pa siyang gisingin upang bumili ng Gasul kung kailan hindi sila nagdedeliver. Kinontakt na nga lang niya si Rocco noon na may mga Gasul sa bodega na ekstra niya.

Nanginginig na ang kanyang tuhog na tumatama-tama sa Gasul. Hindi na niya mapigilan. 12:30AM na, may trapik pa rin at dahil dito’y napababa na siya at dumiretso sa eskinita. Madilim naman at kung umihi siya dito’y siguradong walang makakahuli sa kanya. Ganoon na rin naman ang amoy ng lugar. Umihi siya sa may tabi at linapag lamang sa tabi ang Gasul na dala.

Nang may makakita sa kanyang Mama, natakot siya at minadali ang pag-ihi. Lasing ang mama, may dala pang bote ng gin, kung kaya hinabol siya nito dahil akala niya’y umiihi si Roger sa bakuran ng kanyang “mansyon”. Buhat-buhat ni Roger ang gasul habang tumatakbo papalayo sa isang lalaking hindi niya kilala at hindi niya malaman-laman ang motibo.

Hindi siya maingat sa pagtakbo kung kaya nahulog siya sa creek. Tumalon din ang lasing at sinundan siyau. Pagtalon ng gago, tumama ang bote ng gin sa Gasul at kumalat ang alak. Wala pang limang segundo’y nagliyab na ang dalawa.

7:00 AM


Napakabaho noon sa creek. Mabaho na nga noon e… lalo pang bumaho.

Friday, November 6, 2015

11.4: Jeepney Blues

7.6: Desaparecidos o Ang Paghahanap sa mga Nandito Lamang
9.1: Hakbang
1.1: Sabit
8.4: Long Distance, Flynn, De Puta, Kabwayan, BreLeuze, at Maicling Pelicula

Nakaalis na ako ng bahay. Alam kong hahanapin din nila ako pagkatapos ng dalawang araw. Dalawang araw pa ang kailangan upang mapansin nila ‘yon dahil lagi naman akong wala (7.6).

Umaga ako umalis. Hindi pa sila gising, sinigurado ko ‘yon. Ayoko namang may makakita sa’kin. Kunwari papasok lang pero dala ko na ang lahat ng bag na pwede kong dalhin. Nilagay ko na kalahati ng mga nasa cabinet ko. ‘Pag nakita nila wala namang nagbago halos. Hindi sila maghihinala. Baka nga mas mauna pa nilang mapansing umoonti na ang labada kesa nawawala ako.

Pero sa’n nga ba ako pupunta? Nung inisip ko ‘to, sabi ko okay Mama ako pupunta pero mukhang hindi rin kasi hindi naman talaga niya kailanman sinabi nasa’n siya. Kutob-kutob ko lang din ‘yung nasa may Katipunan area pa siya nakatira kasama ang aking tita pero ‘di ko talaga alam ‘yun.

Kahit na dalawang malaking bag ang dala ko, sumabit na ako sa jeep (1.1) at sa paghakbang (9.1) ko’y naalala ko agad ang araw na iyon: nang humakbang ako sa hagdan ay sumabay ka’t muntik kang mahulog at mamatay. Akala ko noon, tuluyan ko nang mawawala ang nanay ko at habambuhay kong sisisihin ang sarili ko.

May patutunguhan nga ba talaga ako? Umalis lang naman ako kasi hindi ko na kaya ang mga sitwasyon sa bahay. Wala na akong kakampi doon. Akala ko sa labas meron pa. Hindi ko naman mahanap si Mama. Wala ka na e.

At napabitaw ako bigla. Binitawan ko na lang basta-basta. Tapos na.

Hindi ko na nakita ang mukha mo kung kaya hindi kita mahatulan muli (8.4): iniwan mo ako at kailangan mong sagutin ang lahat ng tanong ko.
Kahit sa bungad ng kamatayan, ikaw ang nakikita ko. Ikaw ang unang taong humagkan sa’kin at ngayon, hahagkan ako ng mga alaala mo sa aking huling pagkakahulog.

11.3: Bwaya sa Banga

6.4: Parak, nanadyak ng sidecar boy
4.6: Dura-Dura
4.2: Si Tatang na Dalawa ang Tulugan
2.7: Baha De Yero
2.1: Bwaya

Si Lando ang tumatama (2.7) noong atakihin si Mang Rudy (4.2), 86 anyos, sa puso. Hindi ito ang unang beses na inataki siya ngunit ito ang unang beses na mahihirapan si Paolo, ang kanyang anak, na dalhin siya sa Ospital ng Sta. Ana.

Bahang-baha na sa labas ng kanilang tahanan noon. Hindi alam ni Paolo paano dadalhin ang kanyang tatay kundi gamitin ang kanilang sidecar na ginagamit sa water delivery business nila. Hindi naman sila makakapagdeliver kahit saan so ano pa bang gamit nito ‘di ba?

Isinakay ni Paolo si Mang Rudy na hirap na hirap nang huminga, halos ‘di na kumikibo. Binigay niya ang pinakamalalakas na padyak na kaya niya upang labanan ang pataas na pataas nang tubig. Kahit napakalakas nang ulan, kailangan niyang madala ang tatay sa ospital. Hindi siya pwedeng mamatay.

Sa may tulay ng Sta. Ana, nagbabantay si SPO3 Danilo Crespo (2.1). Nakatakip ang ilong ni Danilo dahil napakabaho ng baha. Sinara nila ang tulay sa hindi malamang rason. Isa na namang kalokohan nang pamahalaan.
Nang dumating ang sidecar ni Paolo na sakay si Mang Rudy, hinarangan siya ni Danilo. Bawal daw silang pumunta sa kabila dahil sarado ang daan. Itinuro ni Paolo si Mang Rudy na nakasuot ng jacket at naghihingalo. Hindi pa rin pumayag si Danilo.
Nang pilitin ni Paolo na dumaan ay tinadyakan siya ni Danilo at nahulog siya sa baha (6.4). Pag-ahon niya’y sinuntok pa siyang muli ng pulis at sabay dinuraan (4.6). Hinulog siya nito sa baha. Dahil sa galit ni Paolo at pagmamadali, kinuha niya ang baril ni SPO3 at binaril ito sa ulo. Lumutang-lutang ang malansang dugo nito sa baha. Nakita ito ng ibang mga pulis at pinaputukan siya ngunit imbis na siya ang tamaan ay si Mang Rudy ang tinamaan sa ulo. Hinuli si Paolo na umiiyak.

Sa kalaboso ang katapusan ni Paolo.


Thursday, November 5, 2015

11.2: Die-Hard Friends: Isa Na Namang Kwento ng Mga Bobong Burgis

10.1: Ang Sozyalite
3.3: Last Order sa Hard Hat
5.7: Syota
1.6: Balik-Tanaw

Hindi ba ang reunion, dapat kumpleto kayo? Hindi ba ang barkada, barkada lamang kung kumpleto sila?

Hindi ganoon ang naging gabi nina Rhea (mula sa 1.6), Kev (mula sa 10.1), Joey (mula sa 5.7), at Christa (mula sa 5.7). Masyado na rin silang matanda para maniwala na kailangang kumpleto ang barkada, kailangang kumpleto ang reunion. Noong high school at college, oo. Madaling maka-miss nang isa’t isa e. Pero ngayon, may mga trabaho na sila. Hindi sila pwede magkasisihan. Masyado na silang matanda para doon.

Normal Friday night na rin ito para sa kanila. Kadalasan naman sila talagang napapadpad dito sa Hard Hat (mula sa 3.3) pero hindi magkakasama.
Si Rhea ay laging nakakasama ang mga katrabaho niya dito mag-inuman lalo na pagkatapos ng mga out-of-the-country trips nila.
Si Kev, nakakainuman niya ang blockmates niya sa USTe dito. Kung hindi dito, sa may Collective kaso naiingayan sila sa mga tugtugan.
Si Joey at Christa, madalas pumunta dito bilang Makati kids lang din naman sila at ang apartment nila ay sa may Cityland lang. Dito sila nagrerelax pagkatapos ng mahabang-araw sa kani-kaniyang trabaho.

“Is it just me or are we getting too old for this thing?” sabi ni Kev.
“It’s just you, Kev,” sabi ni Christa. “’Di talaga kita gets paminsan.”
Tawanan si Joey at Rhea na kanina pa napapatingin kay Kev. Matagal nang gusto ni Rhea si Kev.
“Let’s play a game: spin the bottle. Me and my friends, lagi naming nilalaro ‘to when we go here,” sabi ni Kev.
“Is it just me or are we getting too old for that thing?” sabi ni Joey.
Tawanan si Christa at Joey.
“No, seriously, man. Laro tayo,” pilit ni Kev. “Truth or Dare.”
“Don’t we know everything about each other already?” sabi ni Christa.
“I’m game” sabi naman ni Rhea.

Chinug ni Kev ang kanyang red horse at sabay inikot ‘to. Tumapat si kanya sabay tawanan ang mga kaibigan.
“Truth” sabi ni Kev.
“Tell us something we don’t know,” sabi ni Rhea.
“Okay… I like someone in this room,” sabi ni Kev.
Nagulat ang lahat. Pwedeng estranghero pero may posibilidad na isa sa kanila. Intriga nga, kamo.
“Daya, hindi sinabi,” sabi ni Joey.

Inikot ulit ni Kev ang bote at sa kanya na naman tumapat. Tawanan na naman. Backfire sa kanya ang kalokohan niya.
“Pakshet… dare na lang,” sabi ni Kev.
“Okay, I dare you to kiss the person you like,” challenge ni Rhea.
Lahat sila nananabik. Hindi pwedeng takas an ‘to ni Kev.
“Hoy gago siguraduhin mong ‘di si Christa ‘yan a kundi papatulan kita!” sabi ni Joey…
Sabay halik ni Kev sa labi ni Joey.

Tila namatay ang party music sa Hard Hat. Nagkatinginan lang ang apat: si Rhea kay Kev, si Kev kay Joey, si Joey sa sahig, si Christa kay Joey din. Tumigil ang mundo. Ang matatagal nang magkaibigan, nasira sa isang laro.


Masyado na nga silang matanda para doon.

Wednesday, November 4, 2015

11.1: Kabanata 8 - Sparks


10.7: Juan Tamad: Modern Tayms
6.5: Technician Nakuryente, Dedbol
5.3: Jaguars
4.4: Tumpak Topak
3.4: Sutsot, Udlot, at ang Kwentong Naibalot sa Talulot

Binabasa ni Manong Guard (mula sa 5.3) ang pinakabagong edition ng Philippine Horror Stories. Mag-isa lang siya ngayon sa 23rd floor ng IFC kung saan ang mga ilaw ay awtomatikong nagbubukas. Medyo kinakabahan siya dahil may mga ghost stories na noon dito katulad ng batang nahulog sa elevator at minsa’y umaakyat-akyat sa ibang palapag dahil gusto niyang magtrabaho sa World Bank paglaki o ‘yung kwento ni Dado na namatay habang nagkokompyuter.

Kabanata 8: Sparks

Ito ang bayan ng Maytunas kung saan napakaraming mahihirap na tao. Walang kuryente dito kadalasan at nang minsan pa’y may namatay nang technician habang inaayos ang kuryente (mula sa 6.5). Hindi talaga sang-ayon ang mismong kalikasan ng bayan sa kuryente kung kaya marami rin talagang walang trabaho dahil hindi sila naeenganyo.

Nagkalat na ang mga tambay sa kalye. Isa na dito ay si Goyong (mula sa 10.7) na kahit mestisuhin at may pinag-aralan ay hindi na kumuha ng trabaho.

Sinusutsutan si Goyong gabi-gabi ng isang hindi makitang tao. Noong una hindi siya sigurado kung siya ba talaga ang sinusutsutan ngunit alam niya ang kanyang  Nakikipag-inuman na siya kela Marie at Toyang kapag nangyayari ito. Tila gumagapang na ahas ang bawat “Tsst!” na nanggagaling sa kadiliman. Ang sabi nila Marie, ugali raw ‘yan ng mga prosti (mula sa 3.4) lalo na ang mga bakla. Lalo lang nahinuha ni Goyong na siya nga ang sinusutsutan.

Isang gabi, hindi nakapagpigil si Goyong. Malakas na ang tama niya noon nang bigla siyang sutsutan uli mula sa kadiliman. Iniwan niya sila Marie at sinugod ang pinanggalingan ng sutsot. Hindi siya napigilan ng mga kaibigan dahil galit na galit na siya. Dala-dala ang kanyang cellphone na Flashlight App, inilawan niya ang madilim na parte kung saan nanggagaling ang sutsot. Pagtingin niya, may mga mata sa likod ng kahoy. Andito ang baliw ng bayan na si Bubitoy (mula sa 4.4).
“Putangina ka ikaw lang pala ‘yun!” sabi ni Goyong sabay binugbog si Bubitoy na walang laban sa lasing na lalaki. Hindi naiintindihan ni Bubitoy ang nangyayari.
Pagbalik ni Goyong, tawang-tawa niyang ikinwento kela Marie na si Bubitoy lang pala ‘yon.

Noong susunod na gabi, nag-iinuman na naman sila. Isang oras na ang lumipas at wala nang sumusutsot. Natuto na si Bubitoy marahil.
Sa katapusan nang kanilang kasiyahan, bigla na lang may umilaw sa kadiliman na para bang may pumutok ng fuse box. Nagulat si Goyong.
“Kita niyo ‘yun?” tanong niya sa mga kaibigan pero wala silang napansin.
Lumapit si Goyong sa lugar kung saan ito nanggaling sabay narinig na naman ang nakakaasar na sutsot.
“Putangina, si Bubitoy na naman ba ‘to…” sabi niya.
In-on niya ang flashlight at nakitang nakatayo si Bubitoy doon. Sumutsot ulit siya. Hindi maintindihan ni Goyong ano ang ginagawa ng baliw. Sa susunod na sutsot niya, tunog kuryente ang lalabas. Ang mga mata ni Bubitoy ay naging asul habang tuloy-tuloy ang daloy ng mala-kuryenteng tunog ng kanyang dila.

Lumiwanag muli ang kadiliman at ngayon ay nakita na nila Marie. Nadinig din nila ang isang malakas na pagputok. Tumakbo sila papunta roon at pagtingin nila’y—

Ibinaba na ni Manong Guard ang libro. Tila may naririnig siyang dumadaloy na kuryente sa loob ng IFC office. Sinilip niya ang mga cubicle at sa isa’y may ilaw at tila may nagsaspark na kuryente mula sa kompyuter.
Nakahandusay ang katawan ng isang lalaking nakasando, shorts, at tsinelas sa tabi ng cubicle. Mestisuhin. Wala na ang mga mata nito.
Nabitawan na niya ang libro na nahulog sa ihing nagkalat sa sahig.


Tuesday, November 3, 2015

10.7 Magkakasalubong Tayo: Juan Tamad - Modern Tayms

Hindi naman nakakapagod ‘tong ginagawa namin e. Sana nga lang, binabayaran ako para dito kasi kung ganoon e asenso na ‘ko. Laki ng kikitain ko e halos 24/7 ako dito e.

Tambay. Hindi ba pwede maging trabaho na lang ‘yun? Masyado na ‘kong master e. Propesyonal tambay. Sabi nga nila, ‘di mo aakalaing tambay lang ako. Kahit manumit, iniiwasan kong maging kamukha ‘yung mga kapitbahay ko dito. Pero ‘yun, e kainuman ko rin naman sila at katawanan ‘pag gabi so ba’t ko pa tatago diba? Pogi ko raw masyado para tumambay-tambay. Kuha na raw ako ng trabaho tutal minsan hindi naman ‘yan sa eksperyens e pero nasa itsura din. E mukha naman akong mala-Dennis Trillo asar nila Jinks.

Kaso ‘yun nga, tinatamaan ako ng katamaran. Masaya naman ako dito, e. ‘Di naman nagagalit si Inang sa’kin. Sumasideline din naman ako paminsan diyan sa may barberya. Hindi na rin masama. Hindi masama kung ‘di mo mamasamain e ‘di ba? Maayos naman akong tao e. ‘Di rin naman ako lasenggo kahit gabi-gabi kami nag-iinuman. At tsaka matalino din naman ako kahit papaano e. Siguro ‘di ko kaya maging pulitiko pero sigurado may talino naman ang taong marunong magChess ‘di ba. Husay ko roon.

Pero kung trabaho ang usapan, e tatambay na lang ako. Antayin ko na lang maging paid tambay ako. Okay naman ‘yung ganun. Sana may presidenteng mas matalino sa’kin na gawin ‘yun. Kung ‘di man niya kayang tanggalin ang kahirapan, bayaran na lang niya ang mga mahihirap.


Monday, November 2, 2015

10.6 Magkakasalubong Tayo: McDeep

Pumayag akong maassign dito kasi akala ko naman ‘di gaanong interesado ang mga tao sa desserts lalo na’t marami naman sa loob. E nakalimutan ko kung nasaang bansa ako.
Impyerno nga pala itong Pilipinas…
sa init.

Nako, pagkainit-init talaga ng pesteng bansa na ‘to. Customer peak kapag 1:00PM onwards! You won’t bilib it. Kulang na lang siguro magsabay-sabay silang lahat na bumili dito. At ngayon, nalilito pa rin ako sa pagdidip ng ice cream. Kala niyo madali ‘to? E minsan, tatlong tao ang magkakasunod sa pila. Ang isa gusto strawberry fudge sundae, ang isa strawberry Mcdip with rice krispies, ang isa vanilla cone lang. Napapaghalo ko paminsan! Nakasawsaw na nga ako ng vanilla cone sa fudge e! Kahiya ‘yun, oo.

‘Di ko rin naman sila masisisi. Ako kapag mainit naghahanap talaga agad ako ng ice tubig. Kadalasan 10 pesos ‘yun sa amin. Noong bata nga ako 3 pesos lang e. E ngayon, kung madaanan mo naman ‘tong stall namin, 10 pesos lang may vanilla cone ka nang napakalamig. Dagdagan mong 5, may dip pa. Dagdagan mo pa onti, may malutong na rice krispies na. Andaming kachipan na pagpipilian! At masarap. Sulit ka. Ubo, sipon, name it, I got it!


Sunday, November 1, 2015

10.5 Magkakasalubong Tayo: LushLush

Tingin ko, wala naman talagang gustong bumili nitong mga sabon dito. Ewan ko ba, e nauuso naman ang Safeguard at Likas o kung ano-ano pa. Ba’t pa sila bibili dito ‘di ba? Ni ako nga hindi ako bibili dito e. Ang mahal-mahal. ‘Pag ako nakaipon, ‘di rin ako bibili kahit isang sabon. Kahit may employee discount pa. Kasi ano naman gagawin ko doon ‘di ba? Araw-araw naman akong naliligo. Malinis naman pakiramdam ko sa simpleng Green Cross soap lang. Tas eto ang dami pang kaechosan na kung ano-ano. May mga nalalaman pang Dead Sea Salt at kung ano-anong chechebureche extracts. E kung maligo ka na lang kaya ‘di ba?

Minsan nga may mga pumapasok lang dito tas aamoy-amoy. Parang mga adik, ba. Tapos ‘yung mga bata ‘pag nandito, titingin-tingin lang sa shapes nung mga sabon. Nagagandahan lang. Siguro nga ‘di nila alam na sabon talaga ‘yun e o baka dumulas na isipan nilang sabon ‘yun at naisip na baka pandisenyo lang. Haynakech talaga.
Kung paano pa kami naseswelduhan ni Ser, hindi ko alam. E karamihan naman ng costumers niya ay:
1.       Matanda na at malapit nang mamatay (baka may namatay na right this moment)
2.       Kadalasa’y titingin-tingin lang o aamoy-amoy lang


Ako naman ‘tong gaga na advertise nang advertise nang mga memorisadong kachuchuan. Wala rin namang mapapala. Tatango-tango lang sila tas aalis na. Siguro pupunta sa sinehan o kakain sa kung saan. Basta… pakiramdam ko wala namang pumupunta dito sa Glorietta para lang bumili sa’min e. Hay.